Nanindingan si junket casino operator Kim Wong na may nawawalang 17 million dollars mula sa 81 million US dollars na hinack sa Bangladesh Bank.
Ayon kay Wong, ang nasabing halaga ay hinahanap ng mga kapwa niya junket casino operators na sina Nagawa Shuhao at Chiden Shi-Ze.
Ang nasabing pera aniya ay maaaring nasa Philrem remittance.
Kasabay nito nanindigan si Kim Wong na hindi niya kasama si Weikang Xu sa pagtungo sa bahay ng may-ari ng Philrem na si Salud Bautista para kumuha ng dagdag pang pera taliwas sa sinasabi nito.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)