Nilinaw ni Kim Wong na sa kanilang mga transaksyon hindi nila tinatanong kung saan galing ang mga perang ipinanlalaro ng kanilang mga kliyente sa casino.
Anya, dalawa lang ang kanilang polisiya, hikayatin ang kliyente na ipakita ang pera nito pero huwag itanong kung paano ito nakuha.
Ganito anya ang nangyari nang kunin niya ang milyon-milyong dolyar mula sa 2 Chinese nationals na sinasabing nagdala ng 81 million dollars sa Pilipinas mula sa Central Bank of Bangladesh.
Ayon kay Wong, isa sa 2 Chinese gamblers ay naging kaibigan niya sa Macau at noong 2014 nagkautang anya ito ng 10 million dollars sa isang casino sa Manila.
Si Wong ang nagsilbing guarantor nito hanggang sa mabayaran ang pagkakautang.
Ang isa pang Chinese gambler ay mula Beijing pero hindi raw ito personal na kilala ni Wong.
Hindi pa tiyak ngayon kung nasa Pilipinas pa ang 2 Chinese gambler na sinasabing nagdala ng 81 million dollars sa Pilipinas.
By Jonathan Andal (Patrol 31)