Nagpasaklolo na sa pamahalaan ang pamilya ng live – in partner ng pinatay na radioman sa Bislig, Surigao del Sur na si Christopher Iban Lozada para maisalalim ito sa Witness Protection Program o WPP.
Ayon kay Barangay Captain Alan Toyco, ama ni Honey Faith Toyco, labis na na – trauma ang kanyang anak sa insidente at nangangamba ito para sa kanyang seguridad ngayong nakalabas na ito sa ospital.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco na nakikipag – ugnayan na siya upang mapasailalim sa WPP ang kasintahan ni Lozada.
Matatandaang pinagbabaril noong Oktubre si Lozada ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang sakay ito ng kanyang sasakyan kasama ang nasabing live – in partner nito.