Tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) kung nasaan si Dahlia Guerrero Pastor na suspek sa pagpaslang sa kanyang asawa na si car racer Enzo Pastor.
Ayon sa NBI, si Dahlia ay nagtatrabaho bilang manager sa isang resort sa isang bansa sa Asya.
Gayunman, tumanggi ang NBI na tukuyin ang nasabing bansa.
Una nang hinimok ng pamilya Pastor si Dahlia na umuwi na matapos mahuli ang itinuturong utak sa pagpaslang sa car racer.
By Judith Larino