Hindi pa matiyak ng Malakanyang kung nasaan si Dating Undersecretary Christopher Lloyd Lao.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang humingi ng ‘hold departure order’ si Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Richard Gordon.
Kasalukuyang iniimbestigahan si Lao ng Senado sa pagbili ng bilyong pisong COVID-19 pandemic supplies sa isang maliit umanong kumpanya.
Aminado si Roque na nakausap niya si Lao pero wala naman anyang senyales na lumayas ito ng bansa.—sa panulat ni Drew Nacino