Nagbitiw na si Sitti Djalia Turabin-Hataman bilang kinatawan ng Anak Mindanao Party-list.
Inanunsyo ni Hataman ang kanyang resignation sa isang privilege speech sa Kamara, kahapon.
Bago mahalal bilang kinatawan, nagsilbi si Hataman bilang Executive Director ng National Commission on Muslim Filipinos.
Nahalal ang kongresista bilang Anak Mindanao Party-list Representative noong 16th at 17th Congress.
Hindi naman idinetalye ng mambabatas ang dahilan ng kanyang pagbibitiw pero inamin nitong may ilan siyang opinyon o desisyon na hindi tumutugma sa sektor na kanyang kinakatawan.
—-