Kinatigan ni BAYAN Secretary General Renato Reyes ang pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra hinggil sa pagtutol nito sa muling pagbuhay sa Anti-Subversion law.
Aniya, tama si Guevarra sa sinabi nitong hindi maituturing na terorismo ang pagsama sa mga makakaliwang grupo.
“Tama po si Secretary Guevarra doon, mere membership in a leftist organization is not equivalent to terrorism. Meron talagang pamantayan at depinisyon kung ano yung terorismo, kinakailangan ho, even under the existing law kailangan merong act over act na classified under terrorism.” Ani Reyes.
Dagdag pa nito, ang pagiging miyembro ay pakiki-isa lamang sa layunin ng isang grupo at hangga’t walang ginagawang “overt act” ang isang indibidwal ay hindi ito pwedeng ituring na krimen.
Tinig ni Bayan Secretary General Renato Reyes sa panayam ng DWIZ, Ratsada Balita.