Hinimok ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa mga ulat ng sinasabing panghihimasok ng tsina sa darating na 2025 midterm elections sa Pilipinas.
Ayon sa Senador, mahalaga itong hakbang upang mapanatili ang integridad ng demokratikong proseso ng bansa at maprotektahan ang pambansang soberanya.
Sa kabila ng pagtanggi ng China sa mga akusasyon, sinabi ni Estrada na dapat panagutin ang sinumang nagnanais na impluwensyahan ang ating mga halalan, maging sila man ay banyaga o lokal.
Ang pahayag ng Senador ay kasunod ng mga ulat mula sa National Security Council na nagsasabing may mga indikasyon ng panghihimasok mula sa mga dayuhang bansa, partikular na ang china, sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.—sa panulat ni Jasper Barleta