Pinahintulutan na ng Department of Education (DEPED) na maglagay ng kindergarten classrooms sa ikalawang palapag ng mga paaralan.
Inaprubahan ito ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte noong nakaraang linggo sa kondisyong aakuin ng mga paaralan ang responsibilidad para sa anumang aksidente na maaaring mangyari.
Kailangan din na malapit ang mga silid-aralan sa mga emergency access points, at kailangang isama sa lahat ng information material ang lokasyon ng classroom sa ikalawang palapag at ang implikasyon nito sa oras na magkaroon ng emergency.
Saklaw ng polisiya ang parehong public at private schools. – sa panulat ni Hannah Oledan