Nakipag-usap at nakipagkamay si King Charles III ng Britain sa mga nakapilang mga tao na nais magbigay galang yumaong si Queen Elizabeth II, na nakahimlay sa Palace of Westminster, sa London.
Kasama ni King Charles III na humarap sa publiko ang anak na si Prince William.
Libu-libong tao ang pumila at naghintay sa kanilang pagkakataon na makita sa huling pagkakataon si Queen Elizabeth.
Karamihan sa mga nagtungo sa Westminster Hall ang magdamag na naghintay para lamag makita ang yumaong reyna ng United Kingdom.