Pumalo na sa P418 -M ang kinita ng pamahalaan sa Kadiwa program na nakapaghatid-serbisyo sa 1.22 milyong pamilya sa bansa.
Batay sa year-end report ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi ng Office of the Press Secretary na aabot sa apatnaraan limampung kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka, at agri-fishery enterprises ang kumita mula sa 19 thousand 383 Kadiwa selling activities sa buong bansa.
Nabatid na sa ilalim ng Kadiwa ng Pasko caravan, layon ng administrasyon na ipagpatuloy ito pagkatapos ng holiday.
Bukod sa Kadiwa outlet, pinapatakbo rin ng gobyerno ang mga Agri-Pinoy Trading Centers at Diskuwento Caravans upang patatagin ang mga suplay at presyo ng asukal.
Noong Nobyembre sinimulan ng administrasyon ang programa.