Nabawasan ng kalahati ang year to date revenues ng industriya ng turismo dahil sa ipinatupad na travel restrictions kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ipinabatid ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat na nasa halos P80-B lamang ang kinita ng tourism industry mula Enero hanggang Abril.
Ito aniya ay 55% mas mababa sa halos P181-B na naitala sa kaparehong panahon noong isang taon.
Bumagsak din ang foreign tourist arrivals na nasa 1.3-M lamang kumpara sa 2.8-M sa katulad na panahon noong 2019.