Nananatiling tikom si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Junior kaugnay sa kanyang kinaroroonan.
Sa gitna ito ng pahayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa hearing ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee na posibleng nasa south korea ang suspendidong mambabatas.
Ayon kay Congressman Teves, hindi muna siya mag-ko-komento hinggil sa kanyang kinaroroonan pero mga otoridad naman na ang makatutuklas nito.
Si Teves ang itinuturong “mastermind” Sa pamplona massacre, kung saan kabilang sa pinaslang si dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.