Proud na proud si Kiray Celis sa bagong development tungkol sa personal niyang buhay dahil matapos ang 21-taon ay mayroon na siyang boyfriend.
Ayon kay Kiray, isang businessman ang kanyang boyfriend na tumanggi siyang pangalanan dahil ‘super private’ umano itong tao.
Nagsimula aniya na mabuo ang kanilang relasyon sa panonood lamang ng movies at pagkain-kain sa labas.
Maituturing umano ito ni Kiray na isa sa pinakamasayang stage ng kanyang buhay dahil bukod sa may boyfriend na siya ay stable na din ang estado ng buhay ng kanyang pamilya dahil naibigay na niya sa mga ito ang pangarap niyang buhay.
Hiniling naman ni Kiray sa publiko na tantanan na ang isyu at pag-uugnay sa kanila ng commercial model na si Kirst Viray dahil magkaibigan lamang aniya sila