Nagdadala ng P400 milyon na kita sa bansa ang online cockfighting o mas kilala sa E-sabong.
Iyan ay ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.
Ayon kay PAGCOR Chair and CEO Andrea Domingo, naging malago ang mga online gambling gaya ng E-sabong dahil sa mga lockdown at quarantine restriction dala ng COVID-19.
Sa ngayon, mayroon ng apat na lisensyadong online cockfighting operators sa bansa at dalawa pa ang nabigyan ng mga lisenya.
Simula naman Mayo, nakapagbigay naman sa kaban ng PAGCOR ng 1.6 bilyon ang apat na licensed operators.—sa panulat ni Rex Espiritu