Tumaas ng halos 221 billion pesos ang kita mula sa turismo sa unang taon pa lamang ng Duterte administration.
Ang nasabing halaga ayon sa Department of Tourism o DOT ay naitala mula July 2016 hanggang May 2017 at halos 110% na mas mataas kumpara sa unang labing isang (11) buwan ng nakalipas na Aquino administration.
Ipinabatid ng DOT na pumapalo sa halos 6 na milyon ang international tourist arrivals o mahigit pitumpu’t isang (71) porsyentong mas mataas sa naitala sa parehong period.
Binigyang diin ng DOT na nagsilbing bright spot para sa ekonomiya ang tourism industry sa unang taon ng Duterte administration.
Kabilang anito sa mga factors ng paglago ng Turismo ang pagresolba ng gobyerno sa mga banta, pagkakaroon ng maayos at ligtas na kapaligiran at pagpapataas ng tiwala ng mga turista.
Sinabi ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na ilan sa nagpakinang ng turismo ng bansa ang idinaos na Miss Universe pageant, Third Madrid Fusion Manila, ASEAN Conference at United Nationals World Tourism Organization 6th International Conference on Statistics.
By Judith Larino
Kita ng bansa mula sa turismo tumaas sa unang taon ng Duterte admin was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882