Uubrang gamitin ng Bureau of Immigration (BI) ang bahagi ng kita nito bilang dagdag ayuda sa mga mahihirap na pamilya.
Binigyang diin ito ni 4Ps Partylist Representative Marcelino Libanan na nagsabing kaya ng BI na makalikom ng 10 hanggang 12 billion pesos sa buong taon.
Bago nag pandemic o taong 2019, ipinabatid ni Libanan, dating Immigration Commissioner na nasa mahigit siyam na bilyong piso ang nakolekta ng BI o mas mataas ng 32% mula sa mahigit pitong bilyong pisong nakolekta noong 2018.
Kasabay nito, binuhay muli ni Libanan ang panukalang Bureau of Immigration Modernization Act na lusot na sa Kamara subalit bigong maipasa sa Senado.