Tumaas ng mahigit 200% ang kita ng Health Maintenance Organization (HMO) industry sa unang kalahati ng 2020.
Batay ito sa pinakahuling datos mula sa insurance commission kung saan umakyat sa P4.53-B ang net income ng mga HMOs sa ika-2 bahagi ng taon.
Ito ay mula anila sa naitalang total net income na P1.49 -B ng industriya noong June 30, 2019.
Ayon kay Insurance Commissioner Dennis Funa, lumago ng 51.7 % o higit P59-B ang kabuuang assets ng mga kumpanyang hmo sa 1st semester ng 2020.
Gayunman, umakyat din aniya sa P40.85-B ang total liabilities ng HMO industry ngayong taon kumpara sa naitalang P27.19-B noong nakaraang taon.
Sinabi ni Funa, maiuugnay ang pagtaas ng liabilities sa naranasang hirap ng mga HMO companies na maningil mula sa kanilang mga miyembro dahil sa mga ipinatupad na COVID-19 restrictions.