Ipinanawagan ni Albay Representative Joey Salceda sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na ibase sa tax rate ng Pilipinas ang buwis sa kita ng mga pilipino na may US clients.
Ayon kay Salceda, ang mga pinoy na nagtatrabaho para sa mga us client tulad ng youtubers, amazon virtual assistants at iba pa ay pinapatawan ng federal withholding tax na 30%.
Mas mataas aniya ito kumpara sa maximum na 20%, na ipinapataw ng Pilipinas na final withholding tax.
Naniniwala naman si Salceda na sa paraang ito ay malaki ang kikitain ng mga Pilipino. – sa panulat ni Abby Malanday