Ramdam na ng mga nagtitinda ng processed meat products sa palengke ang tumal dahil sa takot sa African Swine Fever (ASF).
Matatandaang kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na ilang sample ng hotdog, tocino, at longganisa ang nagpositibo sa ASF.
Ayon sa ilang tindero, 30% ang ibinaba ng kanilang benta matapos lamang ang naturang balita.
Hindi lamang ang mga nabanggit na processed meat ang tumumal ang benta kundi nadamay na rin ang iba pa tulad ng ham, at embutido.
Sa tala ng Philippine Association of Meat Processors Incorporated (PAMPI), pumapalo na sa P50-bilyon ang lugi ng industriya matapos na pumutok ang isyu ng ASF.