Nakapagtala ng record high na kita ang PAG IBIG Fund mula Enero hanggang Oktubre ng taong ito.
Ipinabatid ni Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na ang net income ng PAG IBIG na P38.06-B sa unang sampung buwan ng taong ito ay mas mataas na sa P34.73-B na naitalang kita sa buong 2021.
Patunay ito aniya ng maayos na pangangasiwa sa pondong naipon ng mga miyembro ng PAG IBIG.
Dahil dito, binigyang diin ni Acuzar, nagsisilbi ring Chairperson ng 11 member PAG IBIG Fund Board of Trustees na nasa maayos na posisyon ang PAG IBIG para ituluy-tuloy at palakasin pa ang pagbibigay ng social services at tulong sa mas maraming Pilipino batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.
Samantala, inihayag naman ni PAG IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta na pumapalo na sa mahigit P810-B ang kabuuang assets ng ahensya na halos 10% o P65. 49-B mula sa yearend 2021 level.
Pinasalamatan din ni Acosta ang mga miyembro at stakeholders ng PAG IBIG sa mga accomplishments nito na itinuturing na best performing year na kahit dalawang buwan pa ang nalalabi sa 2022 at wala pang kuwenta ng kita ng ahensya.