Nabawasan ng 50% ang kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) mula sa offshore o online gaming.
Ito ang inihayag ng Pagcor, kasunod na rin ng nabawasang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at mga service providers nito bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Pagcor Assistant Vice President For Offshore Gaming Licensing Atty. Jose Tria, halos kalahati ang nawala sa karaniwang P600 million kada buwan sa nakokolektang regulatory fees ng ahensiya.
Mas mababa pa aniya ito kung hindi lamang sa tinatawag na minimum guaranteed fees kung saan maaaring magpataw ang Pagcor ng mas mataas na regulatory fees kumpara sa 2 porsyentong gross gaming revenues ng POGO.
Dagdag ni Tria, nakita ang pagbaba sa koleksyon ng regulatory fees dahil 32 na lamang mula sa 60 POGO’s ang pinapayagang magbalik ng operasyon ng hanggang tatlumpung porsyentong kapasida.
Habang 111 na lamang mula sa 218 accredited POGO service providers ang pinayagang makapag-operate muli matapo makakuha ng clearance sa Bureau of Internal Revenue.