Umabot na sa mahigit tatlumpung milyong piso ang kita sa takilya ng pelikulang “Sid and Aya (Not a Love Story)” na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Dingdong Dantes.
Ayon sa Viva Films, naitala ang nasabing halaga sa loob lamang ng tatlong araw o simula nang ipalabas ang pelikula sa mga sinehan noong Mayo 30.
Ang nabanggit na obra ni Direktor Irene Villamor, ay co-produced ng N2 Productions.
Naka-sentro ang pelikula sa dalawang karakter na sina Dingdong bilang si Sid at Anne bilang Aya na nagsimula sa isang relasyong walang pagmamahalan o commitment.
Ang “Sid and Aya” ay graded B ng Cinema Evaluation Board at Rated PG ng Movie and Television Review and Classification Board.