Suspendido ang klase sa lahat ng antas, maging ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan ngayong Lunes, Enero 13, sa Metro Manila, Calabarzon, at Region 3 dahil sa ash fall na dulot ng pagputok ng bulkang Taal kahapon.
Ayon sa inilabas na anunsyo ni Executive Secretary Salvador Medialdea, tanging mga nasa disaster response at health services ang may pasok.
Aniya, ito ay derektiba mula sa mga otoridad ng pangulo na base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council.
Samantala, hinikayat din ni Medialdea ang mga pribadong kumpanya na magsuspinde na rin ng kanilang mga pasok.