Suspendido ang klase sa lahat ng paaralan sa loob ng 6 na kilometrong radius danger zone ng Bulkang Mayon sa Albay.
Si Gobernador Edcel Greco Lagman na magpapatuloy ang trabaho sa kabila ng pagkansela ng mga klase. Gayunpaman, ang lahat ng uri ng aktibidad sa ekonomiya ay pansamantalang sinuspinde sa loob ng danger zone upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Nauna nang isinailalim ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang lalawigan sa State of Calamity matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang alert status ng Bulkang Mayon mula 2 hanggang 3, na nagpapahiwatig ng “Increased tendency towards a hazardous eruption.”
Ang deklarasyon ng state of calamity ay naglalayong magpapabilis sa rescue, recovery, relief, at rehabilitation efforts ng gobyerno at pribadong sektor. Ito rin ang magkokontrol sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin at mga pangangailangan at magbibigay-daan sa mga local government units na gumamit ng angkop na pondo para sa kanilang rescue, recovery, relief, at rehabilitation measures.