Suspendido pa rin ang klase ngayong araw ng Sabado, Hulyo 29 dahil sa monsoon rains na pinalalakas pa ng Bagyong Gorio.
Kabilang sa mga nagdeklara nang walang pasok sa lahat ng antas pribado man at pampubliko, ang Malabon, Marikina, Valenzuela at, Cainta at Taytay sa lalawigan naman ng Rizal.
Maliban dito, wala ring pasok sa Philippine Normal University, Navotas Polytechnic College at Governor Andres Pascual College.
Bahagi ng bundok sa Itogon, Benguet gumuho
Gumuho ang bahagi ng bundok sa Itogon, Benguet dulot ng patuloy na pagbuhos na pag-ulang dala ng hanging habagat at Bagyong Gorio.
Dahil sa insidente, pansamantalang ipinasara ang kalsada doon na nagmistulang ilog dahil sa mudslide.
Maraming sasakyan naman ang naistranded dahil sa naturang landslide. Pansamantala ring pinalikas ang mga minerong nasa ibaba ng bundok para sa kanilang kaligtasan.
- Ralph Obina