Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Albay ang klase sa lahat ng antas sa paaralan sa lalawigan bunsod ng matinding pag-ulang dulot ng Northeast Monsoon at Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Sinabi ni Albay Governor Noel Rosal na ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa posibleng pag-apaw ng ilog at pagbaha.
Batay sa rainfall advisory ng PAGASA Southern Luzon kaninang ala-6:00 ng umaga, makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Northern Samar.