Inanunsyo na ng Department of Education ang petsa ng pagsisimula ng klase para sa School Year 2022-2023.
Nakasaad sa DepEd order number 34 na nilagdaan ni Vice President at Deped Sec. Sara Duterte, bubuksan ang klase sa darating na August 22 at matatapos ito sa July 7, 2023.
Magsisimula naman sa July 25 ang enrollment para sa nasabing school year.
Batay pa sa inilatag na school calendar ng kagawaran, papayagan ang mga paaralan na magsagawa ng blended learning schedules at full-distance learning hanggang October 31, 2022.
Pagsapit naman ng November 2, dapat nang umpisahan ng lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ang limang araw na face-to-face classes.