Suspendido mula Enero 24 hanggang 31 ang lahat ng klase sa Central Visayas dahil sa pananalasa ng bagyong Odette at pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Batay sa Regional Memorandum No. 052-2022 na inilabas ni Dr. Salustiano Jimenez mula sa DEPED-Central Visayas, ina-abisuhan ang lahat na magkaroon ng adjustments alinsunod sa Republic Act No. 11480.
Lahat ng klase ay iho-hold habang i-uusog ang pasahan ng requirements at pagsasagawa ng aktibidad.
Samantala, para sa mga pribadong paaralan sinabi ni Jimenez na desisyon na nila kung magsusupinde ng klase base sa magiging pag-uusap sa mga magulang.
Nakasailalim sa alert level 3 ang buong Central Visayas na may kabuuang 164,028 kaso. —sa panulat ni Abigail Malanday