Sinuspinde ng Department of Education o DepEd ngayong araw ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Cebu City dahil sa serye ng bomb threat.
Bandang alas-8:39 kaninang umaga nang makatanggap ng tawag ang tanggapan ng DepEd Cebu City na mayroon umanong bombang itinanim sa nasabing gusali.
Nakatanggap din ng kahalintulad na tawag ang Mabolo Elementary at High School, Zapatera Elementary, Lahug Elementary, Labangon Elementary, Gothong High School at ang Cebu City Central School.
Bunsod nito, nagpasya si Dr. Bianito Dagatan, Division Superintendent ng DepEd Cebu City na magdeklara ng class suspension upang maiwasan ang panic.
By Meann Tanbio
Klase sa Cebu public schools kinansela dahil sa serye ng bomb threat was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882