Suspendido ang klase ngayong araw sa lahat ng antas sa Davao del Norte dahil sa bagyong Auring.
Inilabas ni Davao del Norte Governor Antonio Rafael del Rosario ang suspension order, kasabay ng pagpapa-activate sa incident command system.
Inatasan din ni Del Rosario ang lahat ng City at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na tutukan ang posibleng epekto ng bagyo lalo na’t maraming flood at landslide prone areas sa probinsiya.
Umapela ang gobernador sa lahat ng Disaster Risk Reduction and Management Council na magsagawa ng pre-disaster risk assessment at i-activate rin ang disaster operations center sa mga maaapektuhang lugar.
By Meann Tanbio