Sinuspendi na ang klase sa elementarya at high school sa Barangay San Carlos sa San Luis, Pampanga.
Ayon sa principal na si Noel Manguni, ang mga naturang eskwelahan ay napalilibutan ng mga poultry farm sa loob ng 1 kilometer radius quarantine.
Dagdag ni Manguni, mismong ang mga magulang ang humiling ng suspensyon ng klase para maiwasang malanghap ng mga estudyane ang mga kemikal na ginagamit para sa pagkatay ng mga manok na kontaminado ng avian flu virus.
Maaari naman aniya habulin sa isasagawang make up classes sa Setyembre ang mga nawalang araw sa pag-aaral ng mga estudyante.