Nagdeklara na ng suspensyon ng klase ang ilang lugar sa bansa sa Lunes, Disyembre 4.
Ito ay kasabay ng ikakasang malawakang tigil-pasada ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON sa Lunes at Martes bilang pagtutol sa jeepney modernization ng pamahalaan.
Walang pasok sa Lunes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribado ang Albay at Guagua sa Pampanga.
Matatandaang Oktubre nang maglunsad din ng dalawang araw na transport strike ang PISTON dahilan upang suspendihin ng Malacañang ang klase sa lahat ng antas sa buong bansa.
—-