Suspendido ang klase ngayong araw ng Sabado, Oktubre 29, bunsod ng sama ng panahon dulot ng Bagyong Paeng sa Batangas, Caloocan City, Cavite, Las Piñas City, Malabon City, Manila, Marikina City, Laguna, Pasay City, Pasig City, Quezon Province maliban sa Lucena,
Samantala, kinansela rin ang pasok sa lahat ng antas sa Albay hanggang Oktubre 30.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, walang pasok sa lahat ng antas private at public, face to face man o Online.
Itinaas sa signal no3 ang Batangas, Cavite, Metro Manila, Rizal, Bataan, the southern portion of Zambales (Olongapo City, Subic, Castillejos, San Antonio), and Lubang Islands.
Ayon sa PAGASA, nag-landfall ang bagyong Paeng kahapon ng gabi o Sabado, kaninang madaling araw. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon