Maaantala nang isang linggo ang pagbubukas ng klase sa isa sa 3 eskwelahan sa Muntinlupa na nakatayo sa ibabaw ng West Valley Fault.
Ito ang resulta ng personal na inspeksyon kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Bro. Armin Luistro.
Ayon sa kalihim, hindi kasama sa pagbubukas ng klase sa Lunes (Hunyo 1) ang Buli Elementary School sa Muntinlupa City kasunod ng ginawang inspeksyon.
Sinabi ni Luistro sa darating na Hunyo 8 pa papasok ang mga estudyante nito dahil hinahanda pa ang temporary classrooms na gagamitin nila dahil hindi magagamit ang ilang building na nakatuntong mismo sa fault line.
Aniya, may 21 classrooms o 61% ng mga silid-aralan nito ang hindi magagamit dahil nasa ibabaw ito ng West Valley Fault.
Sinabi pa ng opisyal na posibleng aabutin umano ng isang buwan bago tuluyang masolusyunan ang problema sa nasabing paaralan.
By Mariboy Ysibido