Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Iloilo City bunsod ng transport strike sa Lunes, Sept. 30, 2019.
Ayon kay City Mayor Jerry Treñas, ginawa niya ang anunsiyo upang maibsan ang abala sa publiko ng strike ng mga tsuper, lalo na sa mga estudyante.
Sinasabing pangungunahan ng grupong PISTON at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) ang gagawing protesta laban sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.
Tinututulan ng grupo ang programang naglalayong palitan ang mga jeepney na 15 taon nang tumatakbo at papalitan ng mga bagong sasakyan na euro 4 compliant at kayang patakbuhin ng renewable energy.