Suspendido na rin ang klase sa ilang mga karatig lalawigan ng Metro Manila.
Ito ay bilang pagtugon laban sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) at kasunod na rin ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa abiso ni Cavite Governor Jonvic Remulla, walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan simula ngayong araw, Martes, hanggang Sabado.
Samantala, sinuspinde na rin ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaaralan sa buong lalawigan ngayong araw.
Una na ring nag-anunsyo ng class suspension ang mga bayan ng Cainta, Montalban at San Mateo sa Rizal.