Suspendido na ang klase bukas sa lahat ng antas pampubliko man o pribadong paaralan sa buong Metro Manila dahil sa Bagyong Lando.
Pero sa Quezon City, pre school hanggang highschool lamang ang walang pasok. Ipinauubaya na kasi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa pamunuan ng mga kolehiyo at unibersidad sa lungsod Quezon ang pagkansela ng kani-kanilang mga klase.
Ilan pa sa nagdeklara ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas ay ang mga lalawigan ng Pampanga, Nueva Ecija, Isabela, Rizal, Ilocos Sur, Laguna, Cavite, Cabanatuan at Ilocos norte
Suspended din ang kalse all levels sa mga bayan ng Malolos, Hagonoy, Calumpit, Bocaue, Paombong, Pulilan sa lalawigan ng Bulacan. Gayundin ang siyudad ng San Fernando sa La Union at ang mga siyudad ng San Carlos at Dagupan sa Pangasinan.
Habang sa Tarlac pre-school hanggang highschool lamang ang walang pasok bukas.
Samantala, suspenden din ang number coding bukas sa lungsod ng Makati.
By: Jonathan Andal