Kanselado na ang mga klase sa lahat antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila sa Nobyembre 16 at 17.
Ito ay upang bigyang daan ang isasagawang 31st ASEAN Summit simula sa Nobyembre 12.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Danilo Lim, napagpasyahan ng mga Metro Manila mayors ang suspensyon ng klase sa kanilang isinasagawang Metro Manila Council Meeting.
Samantala, wala pang pormal na anunsyo mula sa Malacañang na magpapasya para sa suspensyon ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan.
(Adm) Metro Manila Mayors unanimously move for the suspension of classes on November 16-17 for the ASEAN.
-9th Metro Manila Council Meeting— Danilo Lim (@GenDannyLim) October 10, 2017
(Admin 08) Happening now:
9th Regular Meeting of the Metro Manila Council. pic.twitter.com/r9wgGJDeV6— Danilo Lim (@GenDannyLim) October 10, 2017