Magbubukas na sa darating na Hunyo 16 ang pasukan sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Ito ayon sa Department of Education, ay matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang taong ang pagbabalik sa June-to-March school calendar sa school year 2025-2026.
Magtatapos naman ang nasabing school year sa May 31 na mayroong kabuuang 197 class days, kabilang na rito ang end-of-school-year rites.
Gayunman, nilinaw ng deped na posible pang magbago ang bilang ng mga araw ng pasok dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at mga bagong kautusan na ilalabas ng ahensya.
Samantala, nakatakda namang ilunsad ang Brigada Eskwela sa Hunyo 9 hanggang Hunyo 13.—sa panulat ni John Riz Calata