Target ng MSU o Mindanao State University na magbukas ang klase sa Agosto.
Kasunod ito ng pag-normalize ng sitwasyon sa malaking bahagi ng syudad kung saan ay unti-unti nang nagbubukas ang ilang business establishment.
Ayon kay MSU President Dr. Habib Macaayong, noong kasagsagan ng giyera ay nanatiling normal ang sitwasyon sa loob ng unibersidad ngayon pa kayang walumpung (80) porsyento na ang nabawi ng gobyerno mula sa Maute Group.
Kasabay nito, umapela si Macaayong sa ibang unibersidad na huwag tatanggapin ang kanilang mga estudyanteng nagta-transfer dahil nais nilang bumalik ang mga ito sa Marawi campus.
By Rianne Briones
Klase sa Mindanao State University magbubukas sa Agosto was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882