Suspendido ang klase ng 4 na araw sa NCR o National Capital Region, mula Nobyembre 17 hanggang 20, taong kasalukuyan dahil sa gaganaping APEC Summit na dadaluhan ng 21 lider mula sa iba’t ibang bansa.
Ito’y batay sa isang memorandum na nilagdaan ni Department of Education Regional Director Luz Almeda kung saan pinalawig nito ng 4 na araw ang class suspension mula sa orihinal na dalawang araw.
Una nang idineklara ng Malacañang ang Nov. 18 at 19, 2015 bilang non-working holidays sa Metro Manila dahil sa pagpupulong ng mga lider ng APEC.
Subalit, ipinaliwanag ni Almeda na kailangang palawigin ang suspensiyon ng klase para sa seguridad ng mga dadalong APEC leaders at para maiwasan na rin ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.
By Jelbert Perdez