Suspendido ang klase sa Pasay City at ilang eskwelahan sa Maynila ngayong araw na ito, Agosto 12, dahil pa rin sa water service interruption ng Maynilad.
Ayon sa Pasay City Public Information Office, walang klase sa lahat ng antas sa public at private schools.
Nagsuspinde rin ng klase ang mga sumusunod na paaralan sa Maynila:
District 2:
>Torres High School
>Lakandula High School
>M. L. Quezon High School
>F. Calderon High School
>F. Calderon Elementary School
District 3:
>T. Alonzo High School
>C. Arellano High School
>Raja Soliman High School
District 5:
>Manila Science High school
>Manila High School
>Araullo High School
>Justo Lucban Elementary School
>A. Quezon Elementary School
>E. Delos Santos Elementary School
Wala ring pasok mula Agosto 17 hanggang 18 sa Maynila sa mga sumusunod na eskwelahan:
>Raja Soliman High School
>Torres High School
>Lakandula High School
>Manuel L. Quezon High School
>Felipe Calderon High School
>Manila Science High School
>Araullo High School
>Teodora Alonzo High School
>Arellano High School
>Justo Lucban Elementary School
>A. Quezon Elementary School
>E. Delos Santos Elementary School
Ang water interruption ay nagsimula mula ala-1:00 ng hapon noong Lunes hanggang alas-10:00 ng gabi, Bukas, Agosto 13.
Muling magkakaroon ng putol-suplay ng tubig bandang ala-1:00 ng hapon sa Agosto 17 hanggang alas-3:00 ng hapon sa Agosto 18.
Kabilang sa mga apektado ng water service interruption ay ang mga barangay sa Caloocan, Maynila, Pasay, Parañaque, Makati, Muntinlupa, Las Piñas, Cavite City, Bacoor City, Imus City, at mga bayan ng Kawit, Rosario at Noveleta sa Cavite.
By Jelbert Perdez