Nananatiling suspendido ang klase sa West District ng Pigcawayan, North Cotabato.
Ito ay matapos ng sagupaan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters noong Miyerkules.
Kabilang sa mga walang pasok ay ang mga barangay ng Malagakit, Simsiman at Central Panatan.
Ayon kay PNP o Philippine National Police o PNP Cotabato Public Information Officer Superintendent Joyce Birrey, nagpapatuloy pa ang clearing operations ng militar at ang kanila pang hinihintay na ideklarang ligtas na sa mga nasabing barangay.
Gayunman, tiniyak ni Birrey na kontrolado na ng pamahalaan ang sitwasyon sa Pigcawayan.
By Krista De Dios