Suspindido na ang pasok sa trabaho at klase ng mga mag-aaral bukas, ika-9 ng Enero sa lahat antas sa pribado o pampublikong paaralan sa lungsod.
Ito’y sa bisa ng Executive Order Number 1 na pirmado ni Manila Mayor Isko Moreno.
Paliwanag ni Moreno, ang naturang hakbang ay para bigyang daan ang pagdalo ng publiko sa mga aktibidad ng pista ng Nazareno na ipalalabas online.
Sa kaparehong kautusan, ipinagbabawal din ang pagbebenta ng mga inuming alkohol sa lungsod sang-ayon sa iiral na liquor ban mamayang hatinggabi.