Emosyunal si NBA superstar Klay Thompson matapos na umabanse ang Golden State Warriors sa NBA finals.
Ito’y matapos na pataobin ng kuponan ang kalaban na Dallas Mavericks sa Game 5 na umiskor ng 120-110.
Naiyak si Thompson dahil dalawang season din na hindi siya nakapaglaro dahil sa matinding injury na kaniyang natamo na Torn Achilles.
Nabatid na taong 2019 ng huling sumabak sa finals ang Warriors pero tinalo ito ng Raptors.