Tahasang inihayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na hindi totoo ang sinasabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na politically motivated ang nangyaring protesta sa Kidapawan City noong nakaraang linggo.
Inihayag ito sa DWIZ ni KMP Chairman Rafael Mariano.
Sinabi rin ni Mariano na kailangan ang agarang pagpapalabas ng calamity assistance para matugununan ang hinihinging 15,000 sako ng bigas ng mga magsasaka.
Bahagi ng pahayag ni KMP Chairman Rafael Mariano
Idinagdag pa ni Mariano na kaisa sila sa panawagan na i-pullout ang mga police at military personnel sa compound ng United Methodist Church.
Bahagi ng pahayag ni KMP Chairman Rafael Mariano
By Meann Tanbio | Karambola