Mayroon pang mahigit sa P52 bilyong pisong pondo ang pamahalaan na nakalaan sa pagbibigay ayuda sa mga magsasakang apektado ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) President Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano, ito ay mula sa pondo ng Department of Agriculture (DA) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni Mariano na maliban sa matagal na paglalabas ng pondo, huli na din ang pagsisimula ng cloud seeding operations dahil tuyot na tuyot na ang mga palay.
Bahagi ng pahayag ni KMP President Rafael Mariano
By Katrina Valle | Karambola