Nagbigay ng tribute si New York Knicks Forward Kevin Seraphin para sa mahigit 100 tao na nasawi sa Paris sa laro ng kanyang koponan laban sa New Orleans Pelicans sa Madison Square.
Sa tulong ng Pranses na si Seraphin ay nanalo ang Knicks sa score na 95-87 laban sa Pelicans dalawang araw matapos ang mga pag-atake sa France.
Kumamada si Seraphin ng 12 points sa naturang laro kung saan humataw ito na taglay ang “Paris haircut” na may disenyo ng Eiffel Tower at peace sign sa kanyang ulo.
Ayon kay Seraphin, kaya siya nagpagupit ng salitang “Paris” sa ulo ay dahil gusto niyang gumawa ng kakaiba o creative lalo pa’t mas madali itong gawin kumpara sa tattoo.
By Jelbert Perdez