Binalaan ng mga party-list groups ang pangulo ng kanilang koalisyon na si Cong. Mikee Romero.
Kasunod ito ng pahayag ni Romero na susuportahan ng party-list coalition ang kandidatura ni Cong. Lord Allan Velasco sa House Speakership.
Ayon kay Cong. Raymond Mendoza ng TUCP party-list group, personal choice lamang ni Romero si Velasco at hindi napagkasunduan ng mga miyembro ng koalisyon.
Dahil dito, binalaan anya ng mga party-list groups si Romero na masasayang ang matatag na samahan ng kanilang grupo mula pa noong 15th congress kung magbibigay ito ng posisyon na hindi naman naikunsulta sa grupo.
Gayunman, aminado si Mendoza na mamamayani pa rin sa House Speakership race ang sinumang babasbasan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Na just a stern warning to the president Mikee Romero na do not do that, it is really confusing. My experience is also, relationships are tested and friendships are tested because of this. That is the day after the elections, alam na namin sino ‘ynug speaker. Paiba-iba, may pictures d’yan kasama si Duterte, si Duterte nagsabi na si GMA, and then may nagsabi na siya na, parang circus,” ani Mendoza.
Ratsada Balita Interview